Factors Influencing the Listening Skills of Grade 10 Students for the Development of Audio Material

Authors

Abstract

The study examined the demographic profile of students and their reception of audio material as a teaching tool. Findings revealed that Tagalog students slightly outnumbered those who spoke Ilokano and Hiligaynon. In terms of technological devices used for listening, smartphones had the highest usage, followed by television and radio. Most students reported giving full attention when listening, often using notes or accompanying books to aid comprehension. However, challenges remained in maintaining focus, particularly among students who listened without full attention. External factors such as environmental noise and competing technologies influenced listening either positively or negatively. Additionally, internal factors like emotional state and teacher strategies significantly affected attention and comprehension.The study further determined that the audio materials were of high quality and well-received by students. They’re valid in terms of objectives, content, design, and technical quality, indicating thoughtful development and effective delivery. Student reception was highest regarding the presentation and format, although content could still be improved. Technical quality emerged as a key factor in student engagement. Importantly, a meaningful correlation was identified between the students’ demographic characteristics and their reception of audio materials, suggesting that student characteristics influence learning preferences and effectiveness. This underscores the importance of considering student diversity when developing instructional materials. The study recommends continuous enhancement of audio-based tools, with attention to demographic differences and factors affecting student attention. By optimizing content and addressing distractions, educators can design learning environments that are inclusive and responsive to diverse needs student needs and improve listening outcomes.

Keywords: Audio Material, Learning Preferences, Listening Comprehension, Student Demographics, Technological Devices

Panimula  

Sa mabilis na pagbabago ng mundo, ang kasanayan sa pakikinig ay isang   pundasyon ng epektibong komunikasyon. Ito ay hindi lamang isang pasibong gawain kundi isang aktibong proseso ng pag-unawa sa wika, kultura, at pananaw ng iba. Sa edukasyon, ang kakayahang makinig nang mabuti ay mahalaga sa akademikong pagkatuto, pakikilahok sa talakayan, at pagbuo ng malalim na pagunawa sa mga aralin. Sa kabila ng kahalagahan nito, maraming mag-aaral ang nahihirapang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pakikinig, lalo na sa mga pormal na konteksto ng pag-aaral tulad ng sa silid-aralan.

 

Sa pandaigdigang konteksto, kinikilala ng mga eksperto ang pakikinig bilang isang mahalagang kasanayan na nagtataguyod ng matagumpay na komunikasyon at akademikong performans. Gayunpaman nahaharap ang bawat mag-aaral sa hamon ng epektibong pakikinig, na maaaring makaaapekto sa pang-unawa nila sa mga lektura at talakayan (Zhang & Zhang, 2020). Ayon kay Rost (2019), ang kakulangan sa kasanayang nakapagdudulot ng mababang antas ng partisipasyon sa klase at kawalan ng interes sa mga akademikong gawain. Bilang tugon, maraming paaralan at unibersidad sa buong mundo ang nagsisimulang gamitin ang mga kagamitang awdyo at iba pang teknolohiyang panturo upang mahasa ang kasanayan sa pakikinig (Vandergrift & Goh, 2018).

Sa Pilipinas, ang pakikinig ay bahagi ng pangunahing kasanayan sa Filipino at Ingles batay sa K to 12 kurikulum. Sa kabila nito, ipinakita ng ulat ng DepEd (2021) na maraming mag-aaral ang may mababang kasanayan sa pakikinig, na nagiging hadlang sa kanilang akademikong pagganap. Ayon kay Garcia (2020), bagaman may mga pagsusumikap na isulong ang epektibong pakikinig gamit ang mga pamamaraan sa pagtuturo, madalas itong hindi nabibigyan ng sapat na pansin kumpara sa iba pang kasanayan tulad ng pagbasa at pagsulat. Bukod dito, kakaunti ang lokal na materyal na nakapokus sa pagpapalakas ng pakikinig gamit ang makabagong teknolohiya, na nagiging isang pangunahing limitasyon sa epektibong pagkatuto.

Sa lokal na antas, partikular sa mga pampublikong paaralan, ang kakulangan ng angkop na awdyo materyal ay nagiging hadlang sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikinig. Ayon kay Cruz (2022), maraming guro ang nahihirapang magpatupad ng mabisang pamamaraan sa pagtuturo ng pakikinig dahil sa limitadong mapagkukunan ng lokal na awdyo materyal na tumutugma sa pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral. Dagdag pa rito, sinabi ni Lopez (2021) na karamiha sa mag-aaral ang walang interes sa tradisyonal na paraan ng pagtuturo ng pakikinig lalo na kung walang ginagamit na awdyo na materyal na makatawag-pansin sa kanila. Samakatuwid, kinakailangang magkaroon ng mas maraming makabuluhang inisyatiba upang mapaunlad ang kakayahan sa pakikinig ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng kontekstuwalisadong awdyo materyal.

Datapuwa may mga umiiral na pag-aaral hinggil sa pakikinig, may ilang mahahalagang puwang na dapat tugunan upang higit na mapabuti ang kasanayang ito. Una, kulang ang malalim na pagsusuri sa mga hamon na naranasan ng kabataang ma-aaral sa paggamit ng awdyo na materyal at ang dulot nito sa akademikong performans. Ikalawa, limitado ang pananaliksik sa kalidad at disenyo ng mga awdyo materyal na angkop sa iba't ibang antas ng kahirapan sa pakikinig. Ikatlo, Limitado pa lamang ang bilang na nagsusuri sa integrasyon ng teknolohiya sa pagpapahusay ng kasanayan sa pakikinig at ang epekto nito sa motibasyon ng kabataang mag-aaral. Ikaapat, may pangangailangan para sa pagsasakonteksto ng mga awdyo materyal upang mas tumugma sa interes at kultura ng mga mag-aaral sa lokal na antas. Ikalima, kulang ang mga pag-aaral na nagtatasa sa epekto ng makabagong awdyo materyal sa kasanayan sa pakikinig sa klase at kung paano ito maaaring magamit sa bawat estratehiya ng pagtuturo (Goh, 2018; Hamouda, 2020; Andrade, 2021; Tannacito & Grosser, 2022; Santos, 2023; Ramirez, 2020; Gonzales, 2022; Torres, 2023).

Sa harap ng mga hamong ito, mahalagang magsagawa ng pag-aaral na nakatuon sa pagbuo ng awdyo na materyal na angkop sa konteksto. Ang paglinang ng epektibong kagamitang pampagtuturo ay hindi lamang makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa pakikinig kundi magpapataas din ng kanilang interes at partisipasyon sa pagkatuto. Gamit ang pag-aaral na ito, inaaasahang mabibigyang-linaw kung paano maaaring maisama ang mga makabagong estratehiya sa pagtuturo ng pakikinig gamit ang awdyo materyal upang makalikha ng mas makahulugang karanasan sa pag-aaral para sa kabataang mag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang makabuo ng awdyo na materyal na makatutulong sa pagpahuhusay ng kasanayan sa pakikinig ng kabataang mag-aaral sa ikasampung baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Tupi. Layunin din ng pag-aaral na masuri ang demograpikong propayl ng kabataang mag-aaral, kabilang ang kanilang etnisidad, kagamitan sa tahanan sa pakikinig, at gawi sa pakikinig. Tinukoy rin ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa mga gawaing pakikinig. Inasahang masuri ang lebel ng kalidad ng nabuong awdyo na materyal batay sa layunin, nilalaman, kalidad, at teknikal na aspeto. Kasama rin sa layunin ng pag-aaral ang pagsusuri ng antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral sa materyal batay sa layunin, nilalaman, pormat, at presentasyon nito. Higit pa rito, layunin ng pag-aaral na tuklasin kung may makabuluhang ugnayan ang antas ng pagtanggap ng kabataang mag-aaral sa demograpikong propayl nila.

Teoretikal na Balangkas

Ang pag-aaral ay nakabatay sa Experiential Learning Theory, Cognitive Load Theory ni Sweller (2020), at Multimedia Learning Theory ni Mayer (2020). Binibigyang-diin ng Experiential Learning Theory ang kahalagahan ng aktibong pakikinig bilang bahagi ng pagkatuto, kung saan ang mga tagapakinig ay nagpoproseso ng tunog at impormasyon, nagmumuni-muni, at inilalapat ang natutuhan sa praktikal na sitwasyon (Beard, 2021). Ayon naman sa Cognitive Load Theory, mahalaga ang tamang pamamahala ng impormasyon sa mga awdyong materyal upang maiwasan ang labis na kognitibong pasanin, at mapadali ang pagproseso ng kaalaman sa tulong ng malinaw na pagsasalita, tamang bilis ng pagbigkas, at organisadong daloy ng impormasyon (Sweller, 2020). Samantala, ipinapakita ng Multimedia Learning Theory na ang pagsasanib ng tunog at sinasalitang teksto sa mga awdyong materyal ay nakatutulong sa mas epektibong pagkatuto (Mayer, 2020), kaya’t ang pagbuo ng dekalidad na audio material ay nakikitang mahalagang estratehiya sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikinig ng kabataang mag-aaral.

Metodolohiya ng Pag-aaral

Ginamit sa pag-aaral ang kwalitatibong disenyo, partikular ang Participatory Rapid Appraisal (PRA), upang makakalap ng datos mula sa komunidad sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga kalahok. Ayon kina Khan et al. (2020), ang PRA ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga lokal na komunidad na magbahagi ng kaalaman para makabuo ng angkop na solusyon. Tinutukoy rin sa pananaliksik ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa rural na lugar ng Tupi kaugnay ng kanilang karanasan sa pakikinig. Bilang interbensiyon, bumuo ang mananaliksik ng istandardisadong audio material na isinalang sa masusing balidasyon upang masukat ang kalidad nito.

Gamit ang purposive sampling, pinili ang mga kalahok batay sa kanilang karanasan sa pakikinig (Etikan et al., 2016). Ang mga ginamit na instrumentong gaya ng talatanungan at gabay para sa FGD ay dumaan sa Content Validity Index (CVI). Ginamit din ang Likert Scale (Vagias, 2006) sa pagsusuri ng demograpikong datos at ang validation tool nina Catalan at Marcelo (2022) upang masuri ang kalidad ng audio material.

 

Sumunod ang mananaliksik sa mga proseso ng pagkuha ng pahintulot mula sa pamunuan ng unibersidad, dibisyon, at paaralan bago ang aktuwal na pangangalap ng datos. Pinunan ng mga mag-aaral ang balidado at CVI-verified na survey at lumahok sa panayam upang matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa kahusayan sa pakikinig. Ipinabalideyt ang audio material sa mga eksperto sa South Cotabato.

 

Sa pagsusuri ng datos, ginamit ang descriptive quantitative approach para sa demograpikong propayl (Babbie & Wagner, 2020), tematikong pagsusuri para sa mga salik sa pakikinig (Moustakas, 1994), at balidasyon para sa pagtanggap sa materyal. Ginamit din ang Two-Tailed T-test upang masukat ang ugnayan ng demograpikong propayl sa antas ng pagtanggap ng materyal.

 

Resulta at Diskusyon

Demograpikong Propayl ng bawat Mag-aaral ayon sa Etnisidad

 

Makikita sa ibaba ang Talahanayan 1 na nagpapakita ng demograpikong propayl ng kabataang mag-aaral batay sa etnisidad.

 

Talahanayan 1. Propayl Batay sa Etnisidad

Etnisidad

Mean

SD

Deskriptibong Antas

Tagalog

3.00

2.39

Bahagyang mataas

Ilokano

0.25

1.09

Hindi mataas

Hiligaynon

2.00

2.45

Hindi mataas

Kabuoan

1.75

1.98

Hindi mataas

 

Ipinakikita sa Talahanayan 1 ang mean, standard deviation (SD), at deskriptibong antas ng mga pangkat etniko. Nangunguna ang mga Tagalog (mean = 3.00, SD = 2.39), na may bahagyang mataas na bilang kumpara sa mga Ilokano (mean = 0.25, SD = 1.09) at Hiligaynon (mean = 2.00, SD = 2.45).

 

Ayon kay Santos (2021), ang pagkakaiba-iba ng etnikong pinagmulan ay maaaring makaaapekto sa pananaw at karanasan ng mga kalahok dahil sa impluwensiya ng kultura at wika. Dagdag pa ni Dela Cruz (2022), ang ganitong pagkakaiba ay may epekto rin sa diskarte ng mga mag-aaral sa pagkatuto, lalo na sa pag-unawa ng akademikong teksto.

 

Demograpikong Propayl ng mga Mag-aaral Batay sa Kagamitan sa Tahanan sa Pakikinig

 

Talahanayan 2. Propayl Batay sa Kagamitan sa Tahanan sa Pakikinig

 

Kagamitan sa Tahanan

Mean

SD

Deskriptibong Antas

Radyo

3.75

2.17

Mataas

Telebisyon

4.75

1.09

Napakataas

Smartphone

5.00

0.00

Napakataas

Laptop

2.75

2.49

Bahagyang mataas

Kabuoan

4.06

1.44

Mataas

 

Ipinakikita sa Talahanayan 2 ang mean, standard deviation (SD), at antas ng paggamit ng kagamitang pambahay para sa pakikinig. Pinakamataas ang paggamit sa smartphone (mean = 5.00, SD = 0.00) at telebisyon (mean = 4.75, SD = 1.09), habang bahagyang mataas lamang sa laptop (mean = 2.75, SD = 2.49). Sa pangkalahatan, mataas ang paggamit ng mga kagamitang ito (mean = 4.06, SD = 1.44).

 

Ipinakikita ng datos na smartphone at telebisyon ang pangunahing gamit sa pakikinig, habang laptop ang may pinakamababang paggamit. Ayon kina Anderson at Jiang (2018), patuloy ang pagtaas ng paggamit ng smartphone sa edukasyon. Sinusuportahan ito ng datos mula sa estadistika na nagsasabing 96% ng mga kabataang edad 18–24 ay umaasa sa smartphone para sa online learning at media consumption.

 

Demograpikong Propayl ng Kabataang Mag-aaral Batay sa Gawi sa Pakikinig

 

Talahanayan 3. Propayl Batay sa Gawi sa Pakikinig

Gawi sa Pakikinig

Mean

SD

Deskriptibong Antas

Nagbibigay nang pansin at nakikinig nang buo

5.00

0.00

Napakataas

Gumagamit ng mga tala o kasamang aklat

5.00

0.00

Napakataas

Nagpapahinga at hindi nakikinig nang buo

1.90

0.70

Hindi mataas

Nakikinig nang wala sa pokus

1.15

0.36

Lubos na hindi mataas

Kabuoan

3.26

0.27

Bahagyang Mataas

 

Ipinakikita sa Talahanayan 3 ang mean, standard deviation (SD), at antas ng gawi sa pakikinig ng mga respondente. Napakataas ang mean ng mga mag-aaral na nagbibigay ng buong pansin at gumagamit ng tala o aklat (mean = 5.00, SD = 0.00), samantalang mababa sa mga nagpapahinga o hindi nakikinig nang buo (mean = 1.90, SD = 0.70) at sa mga nawawalan ng pokus (mean = 1.15, SD = 0.36). Sa kabuuan, ang mean ay 3.26 (SD = 0.27), na tumutukoy sa bahagyang mataas na antas.

 

Ipinakikita ng datos na karamihan sa mga mag-aaral ay may positibong gawi sa pakikinig, ngunit may ilan ding nahihirapang manatiling nakatuon. Ayon kay Rost (2016), ang aktibong pakikinig at paggamit ng tala ay nakatutulong sa pagkatuto. Dagdag pa nina Vandergrift at Goh (2018), ang kawalan ng atensiyon ay maaaring makaapekto sa pag-unawa ng impormasyon.

 

 

 

 

 

 

 

Paglalahad ng Resulta sa Isinagawang FGD sa Tematikong Pagsusuri

 

Salik na Nakaiimpluwensiya sa bawat Mag-aaral sa Gawaing Pakikinig

 

Talahanayan 4.

Salik na Nakaiimpluwensiya sa mga Mag-aaral sa Gawaing Pakikinig

Lumitaw na Tema

(Emerging Themes)

Pinangkat na mga Tema

(Clustered Theme)

Mahalagang Pahayag (Significant Statement

1. Panlabas na Salik na Nakaaapekto sa Pakikinig ng Kabataang Mag-aaral

·         Ingay sa Kapaligiran

·         Paggamit ng teknolohiya

·         Personal na Salik

 

“Bilang isang mag-aaral naapektuhan ang aking pakikinig sa dahilan na maingay at magulong kapaligiran.”

“Ang paggamit ng teknolohiya tulad ng cellphone habang nagkaklase.”

“Pag maraming problemang iniisip.”

2.  Sikolohikal at Sosyal na Salik

 

 

·         Pamilya at kaibigan

 bilang Inspirasyon

·         Guro bilang tagapagdaloy ng kaalaman

·         Kaklase bilang personal na distraksiyon

 

“Ang aking pamilya at kaibigan ang tumutulong sa akin na magpursige sa pag-aaral.”

“Ang aking guro, dahil sa araw-araw na pagpasok ko sa eskwelahan sila ang nakakasama ko para ako ay turuan at pakinggan ang kanilang itinuturo na makakatulong sa kin upang ako ay matuto.”

 

“Ang mga tao na nakaapekto sa aking pakikinig ay ang aking kaklase dahil ang kanilang ingay ay nagbibigay sa akin ng dahilan upang mawala sa pakikinig.”                                        

3. Epekto ng Pamamaraan ng Guro sa Pagtuturo

 

·         Mas Pinadali at Pinagaan ang Pakikinig

·         Natutulungang makinig nang mabuti

 

“Malaking epekto sa aking buhay ang estratehiya para mapadali at magiging magaan ang aking pakikinig.”

“Nakakaapekto ito dahil tulad nga ng estratehiya na ginagamit ng guro, natutulungan akong makinig ng mabuti sa mga tinuturo sa silid-aralan at sa emosyonal, tinutulungan akong makinig at binibigyan ng payo.”

4.  Solusyon sa Paglutas sa Suliranin sa Pakikinig

·         Tahimik at masayang Pakikisama

·         Pagbibigay ng Pokus sa Guro

·         Pag-aaral nang Mabuti

·         Suporta mula sa Pamilya at Kaibigan

 

 

“Nalulutas ito sa pamamagitan ng tahimik na kapaligiran at masayang pakikisama.”

“Malulutas ko ito sa pamamagitan ng pagtuon ng pansin sa mga salita ng guro.”

“Sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at pag-aaral nang mabuti.”

“Ginagawa ang nakakaya ko upang makinig sa tulong din ng pag-unawa ng aking pamilya at kaibigan.”

 

       

 

Lumitaw na Tema 1: Panlabas na Salik na Nakakaapekto ng Mag-aaral

Ang pakikinig ay isang mahalagang kasanayan sa pagkatuto, ngunit ito ay maaaring maapektuhan ng mga salik. Batay sa pagsusuri, lumitaw ang apat na pangunahing tema na may malaking impluwensiya sa kakayahan ng bawat respondente sa pakikinig. Kabilang dito ang ingay sa kapaligiran, paggamit ng teknolohiya, personal na salik, at kaklase bilang distraksiyon. Ang mga ito ay naging hadlang hadlang sa mas epektibong pakikinig ng bawat mag-aaral sa klase.

Ingay sa Kapaligiran

Ito ang pangunahing mga salik na may epekto sa pakikinig ng bawat mag-aaral. Pito sa dalawampung mag-aaral ang nagsasabing ingay sa kapaligiran ang isa sa mga salik na ito. Ang mga tunog mula sa paligid, kabilang ang mga kaklaseng maingay o iba pang distraksiyon, ay nakapagpababa ng konsentrasyon sa pakikinig.

Tugon ng mag-aaral:

“Bilang isang mag-aaral naapektuhan ang aking pakikinig sa dahilan na maingay at magulong kapaligiran.”

(Kalahok 1, Line 1-2)

 

Ayon kay Brownell (2012), ang ingay sa kapaligiran ay ang pangunahing hadlang sa epektibong pakikinig, sapagkat nakagagambala ito sa pagpoproseso ng impormasyon at nakababawas ng konsentrasyon ng kabataang mag-aaral. Sinusuportahan ito ng pag-aaral nina Smith at Johnson (2020), na nagpakikita na ang mga tunog mula sa paligid, tulad ng ingay mula sa kaklase o iba pang distraksiyon, ay maaaring humantong sa mas mababang antas ng pang-unawa at retensiyon ng aralin. Dagdag pa rito, ipinakita rin sa pananaliksik ni Garcia (2021) na ang patuloy na pagkalalantad sa maingay na kapaligiran ay nagdudulot ng stress sa bawat mag-aaral na nagiging hadlang sa kanilang kakayahang makinig nang mabuti at makilahok sa talakayan.                             

Paggamit ng Teknolohiya

Habang malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa edukasyon, Nakapagdudulot din ito ng distraksiyon sa pakikinig ng bawat kabataan. Anim sa dalawampung mag-aaral ang nagsasabing ang teknolohiya ay isang faktor na may impluwensiya sa pakikinig. Ang sobrang paggamit ng mga gadget ay maaaring magdulot ng pagbaba ng atensiyon sa mga aralin.

“Ang paggamit ng teknolohiya tulad ng cellphone habang nagkaklase.”

(Kalahok 6,Line 9)

 

Ayon sa pag-aaral nina Chandra at Patel (2021), bagaman nakatutulong ang teknolohiya sa edukasyon, maaari din itong maging pangunahing distraksiyon na nakaaapekto sa focus at active listening ng mga respondente sa loob ng silid-aralan. Samantala, ipinakita nina Santos at Rivera (2022) na ang sobrang paggamit ng gadget lalo na sa hindi tamang konteksto ay nagreresulta sa pagbaba ng atensiyon sa leksiyon at kakayahang magproseso ng impormasyon nang epektibo.

Personal na Salik

Bukod sa panlabas na salik, may mga personal na dahilan din kung bakit nagiging mahirap ang pakikinig ng mga kabataan. Tatlo sa dalawampung mag-aaral ang nagpapatunay nito. Kabilang dito ang emosyonal na estado, stress, at iba pang iniisip na maaaring makasagabal sa kanilang konsentrasyon.

"Pag maraming problemang iniisip."

(Kalahok 17, line 27)

 

Nakaaapekto ang kapaligiran sa kakayahan ng kabataang mag-aaral sa pakikinig, kaya mahalagang gamitin ang angkop na estratehiya upang mapanatili ang atensiyon sa klase. Ayon kina Brown at Miller (2021), ang tahimik at maayos na kapaligiran ay nagpabubuti sa pakikinig at pag-unawa. Ipinakita rin ni Johnson (2022) na makatutulong ang teknolohiya gaya ng noise-canceling headphones at digital platforms sa pagbawas ng distraksiyon. Samantala, ayon kina Lee et al. (2023), nakatutulong ang interaktibong audio materials sa pagpahuhusay ng auditory processing skills. Sa kabuoan, ang paggamit ng modernong estratehiya at kagamitan ay mahalaga sa paglinang ng epektibong pakikinig.

 

Lumitaw na Tema 2: Sikolohikal at Sosyal na Salik

 

Ang kakayahan ng mag-aaral sa pakikinig ay hindi lamang naiimpluwensiyahan ng panlabas at personal na salik, kundi kasama na rin ang mga indibidwal na nakapaligid sa kanila. Mula sa pagsusuri, lumitaw ang tatlong pangunahing pangkat ng indibidwal na may mahalagang papel sa pakikinig ng mga mag-aaral: (1) pamilya at kaibigan bilang inspirasyon, (2) guro bilang tagapagdaloy ng kaalaman, at (3) kaklase bilang distraksiyon. Ang mga grupong ito ay maaaring positibong makaimpluwensiya sa pakikinig ng mag-aaral o maging hadlang sa kanilang atensiyon at konsentrasyon.

Pamilya at Kaibigan bilang Inspirasyon

Ang suporta mula sa pamilya at kaibigan ay isang mahalagang salik na nakapagpalalakas ng determinasyon ng isang mag-aaral na makinig nang mabuti sa klase. Labindalawa sa dalawampung mag-aaral ang nagsasabing ang kanilang pamilya at kaibigan ang kanilang inspirasiyon sa pakikinig. Ang kanilang paghihikayat at gabay ay nagiging motibasyon upang mapanatili ang interes sa pag-aaral.

"Ang aking pamilya at kaibigan ang tumutulong sa akin na magpursige sa pag-aaral.”

                        (Kalahok 3, line 47-48)

Inihahayag nina Lim at Wong (2021), ang emosyonal at akademikong suporta mula sa pamilya at kaibigan ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng motibasyon ng kabataang mag-aaral upang aktibong makinig sa klase. Samantala, ipinakita nina Cruz at Bautista (2022) na ang paghihikayat at gabay mula sa malalapit na tao ay nagpalalakas ng kumpiyansa at determinasyon ng bawat mag-aaral na nagreresulta sa mataas na antas ng atensiyon at pakikilahok sa pag-aaral.

Guro bilang Tagapagdaloy ng Kaalaman

 

Samantala, apat naman sa dalawampung mag-aaral ang nasasabing ang guro bilang tagapagdaloy ng kaalaman sa kanilang mga gawaing pakikinig.  Ang guro ay isa sa pinakamahalagang elemento sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Dahil dito, malaki rin ang kanilang impluwensiya sa kakayahan ng mag-aaral na makinig. Ang malinaw at organisadong paraan ng pagtuturo ng guro ay may epekto sa atensiyon at pang-unawa ng bawat mag-aaral.

 

 “Ang aking guro, dahil sa araw-araw na pagpasok ko sa eskwelahan sila ang nakakasama ko para ako ay turuan at pakinggan ang kanilang itinuturo na makakatulong sa kin upang ako ay matuto.”

                                                     (Kalahok 20,61-63)

Sa pag-aaral nina Tan at Lee (2021), ang paraan ng pagtuturo ng guro ay may epekto sa atensyon at kakayahan ng mga mag-aaral na makinig nang mabuti. Ang malinaw, organisado, at interaktibong istratehiya ng guro ay nakatutulong sa mas epektibong pagproseso ng impormasyon. Samantala, ipinakita nina Santos at Villanueva (2022) na ang papel ng guro bilang facilitator of learning ay nakaaapekto sa kabataang mag-aaral sa kanilang akademikong pag-unawa pati na rin sa kanilang listening comprehension at kritikal na pag-iisip.

 

Kaklase Bilang Distraksiyon

 

Bagaman maaaring makatulong ang kaklase sa pagbabahagi ng kaalaman, maaari din silang maging dahilan ng pagkawala ng atensiyon sa pakikinig. Apat sa dalawampung mag-aaral ang nagsasabing isa sa mga pangunahing salik ay ang kaklase bilang distraksiyon. Ang ingay o mga hindi inaasahang interaksiyon sa klase ay maaaring makagambala sa proseso ng pakikinig.

 

“Ang mga tao na nakaapekto sa aking pakikinig ay ang aking kaklase dahil ang kanilang ingay ay nagbibigay sa akin ng dahilan upang mawala sa pakikinig.”

(Kalahok 12, line 49-50)

Natuklasan din na may mahalagang papel ang mga taong nakapaligid sa kabataan sa paghubog ng kanilang kakayahan sa pakikinig. Ayon kay Smith at Garcia (2021), ang positibong suporta mula sa pamilya at guro ay nakapagpatataas ng atensiyon at pagkatuto ng bawat mag-aaral. Samantala, ipinakita sa pag-aaral ni Torres (2022) na ang distraksiyon mula sa mga kaklase ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ng konsentrasyon sa klase.

Lumitaw na Tema 3: Epekto ng Pamamaraan ng Guro sa Pagtuturo

 

Ang kakayahan sa pakikinig ng kabataang mag-aaral ay maaaring maapektuhan ng mga salik, kabilang ang mga kaparaanan ng guro sa kaniyang pagtuturo. Batay sa pagsusuri, lumitaw ang apat na pangunahing aspekto kung paano ito nakaaapekto ang pamamaraan ng pagtuturong guro (1) mas pinadali at pinagaan ang pakikinig, (2) Natutulungang makinig nang mabuti. Ito ay may direktang epekto sa pag-unawa ng isang mag-aaral sa kanyang mga aralin at sa kanyang kakayahang makisabay sa mga talakayan sa klase.

Mas Pinadali at Pinagaan ang Pakikinig

Lima sa dalawampung mag-aaral na mas pinadali at pinagaan ang pakikinig dahil sa pamamaraan ng guro. Ang epektibong estratehiya ng guro ay nagdudulot ng mas madaling daloy ng pagkatuto, kaya’t nagiging mas maayos at magaan ang proseso ng pakikinig para sa mga mag-aaral.

"Malaking epekto sa aking buhay ang estratehiya para mapadali at magiging magaan ang aking pakikinig.”

(Kalahok 1, line 98-99)

 

Ayon sa pag-aaral nina Kim at Robertson (2021), ang epektibong estratehiya sa pagtuturo ay nagpadadali sa proseso ng pakikinig sa pamamagitan ng wasto at sistematikong daloy ng impormasyon para sa kabataang mag-aaral. Samantala, ipinakita nina Cruz at Bautista (2022) na ang mga teknik tulad ng scaffolding at interactive discussion ay nakatutulong upang gawing magaan at epektibo ang pag-unawa ng bawat mag-aaral sa kanilang mga aralin.

 

Natutulungang Makinig nang Mabuti

 

Ang tamang pamamaraan ng pagtuturo ay naging gabay sa bawat mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kahusayan sa pakikinig lalo na sa pag-unawa ng mahahalagang impormasyon. Dalawa sa dalawampung mag-aaral ay nagsasabing sila ay natutulungang making nang mabuti.

 

“Nakakaapekto ito dahil tulad nga ng estratehiya na ginagamit ng guro, natutulungan akong makinig ng mabuti sa mga tinuturo sa silid-aralan at sa emosyonal, tinutulungan akong makinig at binibigyan ng payo.”

 (Kalahok 12 , line 115-116)

 

Ayon sa pag-aaral nina Zhang at Li (2021), ang epektibong estratehiya sa pagtuturo ay mahalaga sa pagpabubuti ng kasanayan sa pakikinig ng bawat mag-aaral, partikular sa pagproseso at pag-unawa ng mahahalagang impormasyon. Samantala, ipinakita nina Cruz at Delgado (2022) na ang malinaw at sistematikong paraan ng pagtuturo ay nagpatataas ng atensiyon ng bawat kabataan na nagreresulta sa mabilis at epektibong pagkatuto.

Lumitaw na Tema 4: Solusyon sa Paglutas sa Suliranin sa Pakikinig

Ang paggamkt ng tamang pamamaraan sa pagtuturo ay may mahalagang papel sa pagpapabuti ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa pakikinig. Batay sa pagsusuri, lumitaw ang apat na pangunahing solusyon pakikinig: (1) tahimik at masayang pakikisama, (2) pagbibigay ng pokus sa guro, (3) pag-aaral nang mabuti, (4) suporta mula sa pamilya at kaibigan, at (5) panalangin. Sa pamamagitan ng malinaw at epektibong paraan ng pagtuturo, nagiging mas madali para sa kabataang mag-aaral na intindihin ang mga aralin at mapanatili ang kanilang atensyon.

Tahimik at Masayang Pakikisama

Anim sa dalawampung mag-aaral na nagsasabing ang tahimik at masayang pakikisama ang isa sa mga pangunahing solusyon. Ang pagpili ng tamang kapaligiran ay isang kritikal na hakbang upang mapanatili ang pokus sa pakikinig. Ang isang tahimik at maayos na paligid ay nakatutulong upang maiwasan ang distraksiyon at mas maintindihan ang aralin.

"Nalulutas ito sa pamamagitan ng tahimik na kapaligiran at masayang pakikisama.”

(Kalahok 1, line 132)

 

Ayon sa pag-aaral nina Nguyen at Tran (2021), ang tahimik at maayos na kapaligiran sa silid-aralan ay may positibong epekto sa kakayahan ng bawat mag-aaral na makinig at magpokus sa kanilang mga aralin. Samantala, ipinakita nina Santos at Villareal (2022) na ang masayang pakikisama sa loob ng klase ay nagtataguyod ng produktibong pagkatuto dahil ito ay lumilikha ng komportableng kapaligiran na nagpapababa ng antas ng stress at distraksyon.

 

Pagbibigay ng Pokus sa Guro

 

Ang pagtuon ng pansin sa mga sinasabi ng guro ay isa sa mga pinakaepektibong pamamaraan upang mapanatili ang kalidad ng pakikinig at maiwasan ang pagkawala ng atensiyon. Anim din sa dalawampung mag-aaral ang nagsasabi tungkol dito.

 

"Malulutas ko ito sa pamamagitan ng pagtuon ng pansin sa mga salita ng guro.”

(Kalahok 9, line 170)

 

Ayon kay Smith (2020), ang pagbibigay ng pokus sa guro ay mahalagang estratehiya upang mapanatili ang kalidad ng pakikinig at maiwasan ang pagkawala ng atensiyon sa klase. Sinusuportahan ito ng pag-aaral nina Johnson at Lee (2021), na nagpakikita na ang aktibong pakikinig sa guro ay may direktang epekto sa akademikong performans ng kabataang mag-aaral. Dagdag pa rito, ipinahayag nina Brown at Miller (2022) na ang pagtuon ng pansin sa guro ay hindi lamang nagpabubuti sa kakayahang umunawa ng mga aralin kundi sa pagpapanatili rin ng impormasyon sa mahabang panahon. Ang mga natuklasang ito ay nagpahihiwatig ng kahalagahan ng paggabay ng kaguruan sa pagpahuhusay ng kasanayan sa pakikinig sa loob ng silid-aralan.

 

 

 

Pag-aaral nang Mabuti

 

Apat sa dalawampung mag-aaral na nagsasabing ang pag-aaral nang mabuti ang isa sa mga solusyon sa suliranin sa pakikinig. Bukod sa pakikinig sa klase, mahalaga rin para sa bawat mag-aaral na maglaan ng oras sa pag-aaral upang mapalalim ang pang-unawa nila sa mga aralin.

 

"Sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at pag-aaral nang mabuti.”

(Kalahok 15, line 137)

 

Ayon sa pag-aaral nina Chen at Liu (2021), ang regular na paglalaan ng oras sa pag-aaral ay nakatutulong sa pagpapalalim ng pang-unawa ng bawat mag-aaral sa kanilang mga aralin na nagpahuhusay din sa kanilang listening comprehension sa klase. Samantala, ipinakita nina Dela Cruz at Herrera (2022) na ang epektibong study habits ay may direktang epekto sa akademikong tagumpay dahil ito ay nagpalalakas sa bawat mag-aaral na iproseso at maalala ang mahahalagang impormasyon mula sa kanilang mga leksiyon.

 

Suporta mula sa Pamilya at Kaibigan

 

Malaking tulong din ang pagkakaroon ng suporta mula sa pamilya at mga kaibigan upang mapanatili ang motibasyon sa pakikinig at pagkatuto. Anim sa dalawampung mag-aaral na nagsasabing ang isa sa mga solusyon ay ang suporta mula sa pamilya at kaibigan.

 

"Ginagawa ang nakakaya ko upang makinig sa tulong din ng pag-unawa ng aking pamilya at kaibigan.”

(Kalahok 18, line 156-157)

 

Ayon sa pag-aaral nina Tan at Lim (2021), ang emosyonal at akademikong suporta mula sa pamilya at kaibigan na mahalaga sa pagpapanatili ng motibasyon ng kabataang mag-aaral sa pakikinig at pagkatuto. Samantala, ipinakita nina Reyes at Bautista (2022) na ang positibong ugnayan sa mga mahal sa buhay ay nagtataguyod ng kumpiyansa at determinasyon ng mga estudyante, na nagreresulta sa mas mataas na antas ng atensyon at mas epektibong pagproseso ng impormasyon sa klase.

 

Antas ng Kalidad ng Awdyo na Materyal

 

Talahanayan 5.

Antas ng Kalidad ng Awdyo na Materyal

Domeyn

Mean

SD

Deskriptibong Antas

Layunin

4.75

0.42

Napakabalido

Nilalaman

4.70

0.40

Napakabalido

Kalidad

4.50

0.43

Napakabalido

Aspektong Teknikal

4.73

0.42

Napakabalido

Kabuoan

4.67

0.42

Napakabalido

 

         

 

Ipinakikita sa Talahanayan 5 na ang audio material ay may mataas na kalidad sa lahat ng domeyn: layunin (mean = 4.75, SD = 0.42), nilalaman (mean = 4.70, SD = 0.40), kalidad (mean = 4.50, SD = 0.43), at aspektong teknikal (mean = 4.73, SD = 0.42), na may kabuuang mean na 4.67 at SD na 0.42—lahat ay nasa antas na napakabalido.

 

Ipinakikita ng datos na ang audio material ay epektibong gamit sa edukasyon. Ayon kina Smith at Thomas (2023), nakasalalay ang bisa ng audio sa malinaw na layunin at kalidad ng produksiyon. Dagdag nina Liu at Zhang (2021), mahalaga ang maayos na pagrekord at pag-edit upang maiwasan ang hadlang sa pag-unawa. Ayon din kay Field (2021), ang kalidad ng teknikal na pag-edit, gaya ng pagtanggal ng ingay, ay kritikal sa epektibong paggamit ng audio sa pagkatuto.

 

Antas ng Pagtanggap ng Awdyo na Materyal

 

Talahanayan 6.

Antas ng Pagtanggap ng Awdyo na Materyal

Domeyn

Mean

SD

Deskriptibong Antas

Layunin

4.54

0.50

Lubos na Tinanggap

Nilalaman

4.40

0.55

Tinanggap

Pormat

4.55

0.51

Lubos na Tinanggap

Presentasyon

4.62

0.48

Lubos na Tinnagp

Kabuoan

4.53

0.51

Lubos na Tinanggap

         

 

Ipinakikita sa talahanayan na ang audio material ay lubos na tinanggap sa mga domeyng layunin (mean = 4.54, SD = 0.50), pormat (mean = 4.55, SD = 0.51), at presentasyon (mean = 4.62, SD = 0.48), habang tinanggap naman sa nilalaman (mean = 4.40, SD = 0.55). Ang kabuoang mean ay 4.53 (SD = 0.51), na nagpapakita ng mataas na antas ng pagtanggap. Ayon kay Mayer (2019), mahalaga ang malinaw na presentasyon sa pagkatuto. Dagdag pa nina Clark at Lyons (2020), ang epektibong audio ay nagpapalakas ng motibasyon, habang binigyang-diin ni Paivio (2021) na ang mental imagery mula sa audio materials ay nagpapahusay sa retention at komprehensyon.

 

Makabuluhang Ugnayan ng Demograpikong Profayl ng mga Mag-aaral sa Antas ng pagtanggap ng Awdyo na Materyal

 

Talahanayan 7.

 

 

Makabuluhang Ugnayan ng Demograpikong Propayl ng mga Mag-aaral sa Antas ng pagtanggap ng Awdyo na Materyal

Domeyn

Mean

SD

T-cal

P-Value

Interpretasyon

Demograpikong Propayl

3.02

1.23

 

 

5.0715

 

 

0.0001

 

May Makabuluhang Ugnayan

Antas ng Pagtanggap

4.53

0.51

=0.05 level of significance

 

Ipinakikita sa Talahanayan 7 ang ugnayan sa pagitan ng demograpikong propayl at antas ng pagtanggap sa awdyo na materyal. Ang demograpikong propayl ay may mean na 3.02 (SD = 1.23), habang ang pagtanggap ay may mean na 4.53 (SD = 0.51). Ang t-cal na 5.0715 at P-value na 0.0001 (p < 0.05) ay nagpapahiwatig ng makabuluhang ugnayan.

Ipinahihiwatig ng datos na ang mga salik gaya ng etnisidad, kagamitang ginagamit sa pakikinig, at gawi sa pakikinig ay may impluwensiya sa pagtanggap sa materyal. Ayon kay Mayer (2019), ang pagtanggap sa audio-based na materyal ay naiimpluwensiyahan ng personal na karanasan at kasanayan sa teknolohiya. Suportado ito nina Liu at Zhang (2021), na nagsabing ang pagiging pamilyar sa digital tools ay may kaugnayan sa pakikibagay sa audio learning. Dagdag nina Smith at Thomas (2023), ang epektibong paggamit ng audio ay nakadepende rin sa kakayahan ng mag-aaral na iproseso ang impormasyong naririnig.

Top of Form

Bottom of Form

Konklusyon

Ipinakita sa pag-aaral na ang pagkakaiba sa demograpikong katangian ng kabataang mag-aaral tulad ng etnisidad, kagamitang ginagamit sa tahanan, at gawi sa pakikinig ay may epekto sa kanilang karanasan sa paggamit ng awdyo na materyal. Natukoy rin ang mga salik na panlabas (ingay, teknolohiya) at panloob (emosyon, estratehiya sa pagtuturo) na nakaimpluwensiya sa pakikinig, kaya mahalagang isaalang-alang ang mga ito upang mapabuti ang kapaligiran sa pagkatuto.

Lumabas sa pag-aaral na ang awdyo na materyal ay may mataas na bisa sa layunin, nilalaman, kalidad, at teknikal na aspekto, kaya’t epektibo itong pantulong sa pakikinig. Bagaman positibo ang pagtanggap ng mga mag-aaral, lalo na bilang alternatibong estratehiya sa pagtuturo, kailangan pa ring pagbutihin ang nilalaman upang higit na matugunan ang kanilang pangangailangan. Napatunayan ding may makabuluhang ugnayan ang demograpikong propayl sa antas ng pagtanggap, kaya mahalagang ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng materyal upang ito’y maging mas angkop sa iba’t ibang uri ng mag-aaral.

Mga Sanggunian

Ashcroft, B., Griffiths, G., at Tiffin, H. (2018). Post-colonial studies: The key concepts (3rd ed.). Routledge.

 

Beard, C. (2021). Experiential learning: A practical guide for training, coaching and education (3rd ed.). Kogan Page.

 

Bruner, J. (2020). The process of education and dramatic storytelling. Harvard University Press.

 

De la Cruz, M. (2020). Ang ritwal at kulturang filipino: isang pag-aaral. Manila: University Press.

 

Dewey, J. (2020). Experience and education in dramatic learning. Columbia University Press.

 

Durkheim, É. (2021). The role of rituals in social cohesion. Princeton University Press.

Flores, C. (2019). Mga ritwal ng mga katutubo: dokumentasyon at pananaliksik. Philippine Social Science Review, 71(4), 123-139.

 

Gonzales, R., & Lim, D. (2021). Indigenous agricultural rituals and spiritual beliefs: A study on Blaan farming traditions. Journal of Southeast Asian Anthropology, 25(3), 112–130.

 

Hall, S. (1997). Representation: Cultural Representations and Signifying Practices. Sage Publications.

 

Harrison, J. (2020). Rituals and Performance in Contemporary Theater. Oxford University Press.

 

Hassan, A., & Rahim, M. (2021). The Role of trial by ordeal in traditional justice systems: An analysis of indigenous communities' practices. Journal of Indigenous Legal Systems, 18(2), 134-148.

 

Johnson, L. (2021). Effective literary analysis: The role of treader and audience reception. Journal of Literary Studies, 29(1), 45-56.

 

Johnson, R. B., Onwuegbuzie, A. J., & Turner, L. A. (2020). Toward a definition of mixed methods research. Journal of Mixed Methods Research, 4(2), 112-130.

 

Jones, A., & Patel, R. (2020). Traditional rituals in the age of technology and globalization. Journal of Cultural Studies, 45(3), 134-150.

 

Liberman, Z., Kinzler, K. D., at Woodward, A. L. (2018). The early social significance of rituals. Journal of Cognition and Development, 19(2), 1-17.

 

Martinez, J., & Lee, S. (2022). Analyzing the impact of audience interaction on the effectiveness of plays. Theatre and Performance Studies Review, 15(3), 112-124.

 

Mayer, R. E. (2020). Multimedia learning (3rd ed.). Cambridge University Press.

 

Mendoza, L. (2022). Challenges in documenting traditional practices: Impacts on youth and research. Philippine Journal of Cultural Heritage, 18(1), 45-59.

 

Mitchell, R., at Roberts, S. (2020). Symbolism in ritual and its impact on audience experience. Cambridge University Press.

 

Navarro, J., & de Guzman, R. (2021). Blood compact rituals and peace agreements among indigenous communities: An ethnographic study. Journal of Indigenous Traditions, 26(3), 145–162.

 

Patton, M. Q., & Ravitch, S. M. (2023). Qualitative Research and Methods: Understanding Participant Perspectives and Insights. Sage Publications.

Perez, A. (2020). Exploring indigenous rituals in community cohesion: a study on traditional practices in agrarian societies. Journal of Cultural Heritage and Community Studies, 12(3), 45-60.

 

Pritchard, E. E., & Fortes, M. (2019). African and southeast asian tribal justice systems. Cambridge University Press.

 

Ramirez, M., & Lopez, C. (2022). Sacred bonds: The role of blood rituals in conflict resolution among tribal societies. Philippine Journal of Cultural Anthropology, 20(2), 87–103.

 

Santos, M.  (2021). Blood compact rituals in palawan and mindanao: Traditions of loyalty and love. Southern Philippines Journal of Anthropology, 10(4), 143-159.

 

Santos, M., at Rivera, J. (2021). Cultural rituals and justice in the Cordillera: Traditions of the Philippine indigenous communities. Baguio: Cordillera Studies Press.

 

Schechner, R. (2003). Performance Theory (2nd ed.). Routledge.

 

Smith, J. (2019). Rituals in the modern world: a global perspective. New York: Global Publishing House.

 

Smith, J., & Brown, R. (2021). Modernization and the decline of traditional rituals. Oxford University Press.

 

Society for Ritual Arts. (2020). Exploring the Innovative Structures of Drama Based on Ritual: Gaps in Current Research. Journal of Cultural Rituals and Performance, 12(3), 134-150.Anderson (2021)

 

Sweller, J. (2020). Cognitive load theory and educational technology. In S. J. Tobias & D. Duffy (Eds.), Constructivist instruction: Success or failure? (2nd ed., pp. 73–91). Routledge.

 

Torres, L. (2018). Paglimot sa ritwal: mga hamon ng modernisasyon. Journal of Cultural Studies, 25(3), 45-58.

 

Torres, M., & Delgado, P. (2022). The role of rituals in indigenous farming practices: Cultural sustainability among ethnic communities. Philippine Journal of Ethnographic Studies, 19(2), 89–105.

 

Williams, S. P. (2021). Effective R&D design and its contribution to industry and community development. Journal of Research and Development, 35(4), 210-225.

 

 

                                                                                                           

Published

2025-06-30

How to Cite

QUINILOG, E., & Feliciano, D. . (2025). Factors Influencing the Listening Skills of Grade 10 Students for the Development of Audio Material. International Journal of Arts, Sciences and Education, 6(2), 221–237. Retrieved from https://www.mail.ijase.org/index.php/ijase/article/view/520